
Chinelas, pede pa bang palitan?
“Uy may takong na.. ang ganda naman nyan.. bkit di mo pinakita sa akin nung ako ang bumili, flat tuloy ang nabili ko.” Narinig ko sa mga officemates kong nagkakagulo sa pagpili ng chinelas isang umagang pumasok ako sa opisina. Napaisip tuloy ako, ganon ba talaga? Naalala ko tuloy nung highschool student pa ko, isang lalaking payat,maputi ngunit may mangilan ngilang pimples sa mukha, clean cut ang style ng buhok, chinito - mga katangian ng lalaking nasa labas ng classroom namin at naghihintay sa aking paglabas. Maihahambing ko sya sa unang chinelas na aking naisuot nung ako’y bata pa. Bigay ng nanay ko para daw kapag nakipaglaro ako sa mga kaibigan ko eh di ako mukhang kawawa na nkayapak lang. Sya naman bigay ng mga kaibigan para makasama ko at di ma OP sa tuwing kamiy magpapaligsahan sa kwentuhang nakakakilig at pulos kaartehan. Ngunit dahil nga sa bata pa at walang pakialam sa mundo, ang chinelas na binili sa akin ay hindi man lang iningatan, di naglaon ay naluma at kaylangan ng palitan. Minsang sinama ko ng nanay ko sa palengke, may nakita kong gusto kong isuot pero sabi ng nanay ko, bata pa raw ako para sa style nung chinelas na yon ky ng ako’y medyo magdalaga at nagkaron ng layang pumili ng gusto ko, binalikan ko ang chinelas na yon. “hi, kumusta? San ka? Nagaaral ka pa? At di nagtagal ang usapang yon ay nauwi sa “sige na nga tayo na.” Pinilit kong isuot ang chinelas na yon.. kahit alam kong maraming nagsasabi na hindi bagay sa akin dahil marupok at walang tibay na maaasahan di gaya ng "spartan". Pero kahit ganon sya, pinagmamalaki ko sya, super bida ko sa mga kaibigan kasi nga bago at wala pang dungis. Sa pisikal na anyo, tlgng mapapahanga ka. Lumipas ang ilang buwan, nagsawa rin ako, nakita ko na lang isang araw, iba na ang may suot sa chinelas na iyon. Masakit, pero ano pa ang magagawa ko? Hindi ko na kayang tanggalin sa pagkakaipit sa daliri ng iba ang mga dahon ng chinelas na yon.. siguro nga di bagay sa akin yun.. maghihintay na lang ako ulit ng magaalok at magugustuhan.
Sinunod ko ang payo ng nanay na tigilan ang kakasuot ng mga chinelas sa halip ay magsapatos na lang sa pagpasok sa eskwela, tutal nmn ganap na akong dalaga. Tama sya naging masaya nga ako, mas komportable at ligtas mula sa alikabok ng mundo. Masaya rin pala ang ganon, patingin-tingin, pasukat-sukat..kasama ang mga kaibigang masikap sa pag-aaral at tila walang problema sa buhay. Hanggang dumating ang isang chinelas na di ko alam maisusuot ko pala ng matagal. Di gaya ng iba, inalagaan ko sya, kasi ako ang personal na pumili sa kanya. Simple, malinis, magaan sa pakiramdam, masarap isuot, matibay at feeling ko protektado ako pag suot ko sya. Marami kaming pinagsamahan, Maraming lugar na napuntahan maging tag-araw, tag-ulan, bagyo, baha.. pero lagi syang handa. Hindi ako masamang tao alam ko.. pero sa kabila ng kanyang magagandang katangian, madaming pagkakataon na tinangka ko syang palitan pero andon lang sya at laging naghihintay.. inaalikabok man.. Sa tuwing kaylangan ko sya lagi kong natatagpuan. Hindi ko alam kung may bago ng nagsusuot sa kanya, basta ang alam ko lng naghihintay syang lagi na ang aking paa, sa kanya’y lumapat muli. “Eh sabi nyo kasi gusto nyo mababa kaya yun ang dinala ko.” Napabalikwas ako, nasa office pa pala ko, boses yun ng officemate kong may dala ng paninda. Ganon nga ba talaga? Sa dinami dami ng chinelas, ibat ibang kulay, laki, lapad, nipis.. may napili kang isa, suot-suot mo na.. may nakita kang iba..mas higit pa.. gusto mong palitan mo sya. Hindi naman siguro ganoon ka unfair ang buhay, sadya lang hindi pa nakikita ang chinelas na para sa tin, ung chinelas na magara at magdadala sa atin sa harap ng dambana. Naniniwala ako.. God knows best. wink ;)
ang sanaysay na ito ay isinulat hindi para tanungin ang author kung sino-sino ang mga chinelas na iyon at kung ano-ano pang kachismisan. feel lang nyang magsulat kasi naisip nya lng.., hindi rin sya magpapa ice cream, gusto lang nya ibahagi ang ilan sa kanyang karanasan na siguradong alam nyo nmn na.. sa sobrang pagkachismosa nyong yan alam nya na hindi kayo mapaglalakoan.. :) ito rin ay para sa mga nkatapak pa.. o ky nmn sa mga nkasapatos parati.. nais ng author na malaman nyo na may karamay kayo.. at kaagaw na rin kung sakaling may gwapong chinelas na maligaw.. hehe.. c u around mga ka power! J